39

May 31, 2020 @ 15:26
By

Malaki kita: Prosti sa online game, patok!

Iba-ibang kakaibang trabaho na ang pwedeng pasukin sa panahon ng pag-usbong ng teknolohiya.

Isa rito ang pagiging escort o prostitute sa isang online game kung saan maaring makakuha ng tunay na pera.

Sa bagong video ng ‘People Make Games’, pinasok ng host na si Quintin Smith ang isa sa pinakamahal na brothel sa simulation game na ‘Second Life’ — ang Monarchy.

2003 pa mula nang lumabas ang larong ‘Second Life’ sa PC, ngunit hanggang ngayon ay dagsa pa rin ang naglalaro nito dahil nagagamit ito bilang parausan ng mga gamer o kahit normal na tao.

Sa nasabing laro, pwedeng gumawa ang isang player ng online brothel, kung saan pwedeng mag-hire ng mga escort para sundin ang mga kagustuhan ng kanilang parokyano, kasama na dito ang sex ngunit virtual lang gamit ang mga avatar ng player.

Bukod pa dito, pwede ring mas kumita pa ng malaki ang mga escort kapag pumayag silang makipag-voice chat o webcam sa kanilang mga customer.

Hindi lamang ang mga escort ang kumikita dahil maging ang owner ng brothel ay may cut na 20 percent sa bawat parokyano, at ang currency o pera sa laro ay pwedeng ipalit bilang tunay na datung sa totoong buhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?