223

Jul 7, 2018 @ 18:43
By

Malakas na ulan sa Japan: 15 patay, 50 nawawala

Umabot na sa 15 ang namatay habang 50 pa ang nawawala sa patuloy na matinding pag-ulan sa Japan.

Ayon sa report ng The Guardian, ang malakas na pag-ulan ay nagdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa Hiroshima, Okayama, Kyoto at iba pang rehiyon.

Isa umano ang namatay dahil sa landslide sa Okayama prefecture at isa pa sa Hiroshima, habang isang bangkay ng bata ang natagpuan sa baha.

Ilan sa nawawala ay nalibing nang buhay nang bumigay ang isang bahay sa Hiroshima prefecture.

Sa Ehime prefecture naman nakita ang babaeng wala nang buhay sa ikalawang palapag ng bahay dahil din sa landslide.

Ipinag-utos na rin ang paglilikas sa may 1,614,000 katao mula sa kanilang mga bahay na karamihan ay mula sa western Japan. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?