77

Nov 19, 2017 @ 15:26
By

Malakas, malusog si Digong – Nograles

Dapat na umanong matigil ang mga espekulasyon sa may seryosong karamdaman si Pangulong Rodrigo Duterte.

Katuwiran ni Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles, kung may pinatunayan ang pangulo sa katatapos na 31st ASEAN Summit na ginanap sa Pilipinas, iyon ay ang pagiging malakas at malusog.

Ginawa ni Nograles ang pahayag kasunod ng mga kuwestiyon sa migraines ni Duterte at pananatili sa Davao tuwing weekends sa halip na sa Malakanyang.

“No longer should critics keep questioning the President’s state of health or make up stories of serious ailments. In reality he is far from that sickly senior man that they have portrayed him to be,’ sabi ni Nograles.

Ayon sa kongresista, nakita naman kung paanong pinangunahan ng presidente bilang ASEAN chairman ang bawat high-level meeting na halos walang pahinga.

Bukod pa dito ang formal at informal talks sa mga kapwa heads of state kabilang ang bilateral talk kay US President Donald Trump.

Binanggit rin nito na bago ang ASEAN Summit ay bumiyahe pa si pangulong Duterte sa Japan para sa isang state visit at sa Vietnam kung saan dumalo ito ng APEC Summit.

“And having done all that proves na yung doubts about the President’s health are really misplaced, if not blown out of proportion,” ayon kay Nograles. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?