104

By

Malakanyang, kinampihan sa fishing incident sa Scarborough shoal

Sharing is caring!

Nakahanap ng kakampi ang Malakanyang sa insidente sa pangingisda ng mga Pilipino sa Scarborough shoal o Bajo de Masinloc.

Paliwanag ni Parañaque Rep. Gus Tambuting, ginagawa naman ng Palasyo ang lahat para matiyak na napoprotektahan at malayang nakapangingisda ang mga Pilipino sa West Philippine Sea.

Naniniwala si Tambunting na gusto lang ni Pangulong Rodrigo Duterte na resolbahin ang isyu nang mapayapa.

“The current stand of the Philippine government is not to aggravate the situation in Scarborough shoal,” ayon kay Tambunting.

Sinabi naman anya ng palasyo na ipinarating na ng gobyerno sa China ang tungkol sa napaulat na na pagkumpiska ng Chinese Coast Guard sa huling isda ng mga Pilipinong mangingisda.

Kumbinsido rin ang kongresista na nakatulong ang diplomatic style ng Presidente para makapangisda ang mga Pilipino sa pinag-aagawang teritoryo, bagay na hindi umano nagawa noong nakaraang administrasyon.

“This has clearly helped our fishermen as they can now fish when they previously were not able to,” ani Tambunting.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?