4

By

Malacañang tahimik muna sa resulta ng Dengvaxia probe

Sharing is caring!

Hindi muna magsasalita ang Palasyo sa inilabas na resulta ng imbestigasyon ng Senado sa kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine kaugnay sa palpak na vaccination program ng nakalipas na administrasyon.

Sa maikling text message ni Presidential Spokesman Harry Roque, sinabi nitong hihintayin muna nila ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ang NBI aniya ang inatasang magsagawa ng case build-up para matukoy kung may dapat panagutan ang mga dating opisyal ng Aquino administration sa pagbili ng Dengvaxia vaccine.

“Awaiting findings of NBI still,” ang maiksing text ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa findings ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamunuan ni Senador Richard Gordon, maaaring kasuhan ng technical malversation sina dating Pangulong Benigno Aquino III, dating Budget Secretary Florencio Abad, dating Health Secretary Janet Garin at iba pang kasalukuyan at dating opisyal ng pamahalaan.

Lumitaw sa imbestigasyon ng Senado, na ginamit pambili ng Dengvaxia vaccine ang pondo ng isang government hospital at minadali umano ang pagbili ng dengue vaccines sa Sanofi Pasteur, ang kumpanyang gumawa ng Dengvaxia vaccines.

Ilang mga batang naturukan ng Dengvaxia ang nasawi na naging daan kaya inimbestigahan sa Kamara at Senado ang mga dating opisyal ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?