5

By ,

Malacañang-PSC susungkitin ang isang silya sa semifinals

Sharing is caring!

Mga Laro sa Linggo:

(Meralco Gym)

3 p.m. – Senate vs Judiciary

4:30 p.m. – Malacañang-PSC vs PNP

Standings: AFP (7-1), Malacañang-PSC (6-1), PNP (6-2), Senate (5-3), NHA (4-4), PITC (4-4), Agriculture (3-6), Judiciary (3-5)

Pupuntiryahin ng Malacañang-Philippine Sports Commission na masungkit ang isa pang semis berth sa oras na makaharap nito ang Philippine National Police sa Linggo sa Meralco gym sa Pasig.

Magbabakbakan ang dalawang tropa alas-4:30 ng hapon at inaasahang magpupukan ang mga ito para sa panalo bago mag-holiday break ang liga.

Kapag nanalo ang Malacañang-PSC Kamao, tungtong agad ito sa semis ng liga kasama ang Armed Forces of the Philippines Cavaliers kahit ano pang mangyari sa paghaharap nila sa susunod na buwan.

Bahagyang angat ang Cavaliers bitbit ang 7-1 na baraha habang ang Kamao at Responders naman ay may 6-1 at 6-2 na kartada.

Kung mapopososan ng PNP ang panalo ngayong weekend at matatalo ang Cavaliers kontra Kamao, magkakaroon ng triple tie.

Ang tropa na may pinakamataas na puntos ang makakakuha ng No. 1 spot base sa “win over the other” rule.

Kung hindi man matatalo ang Kamao at Cavaliers ng 10 puntos, sigurado na ang pwesto nila sa semifinals ng liga.

Samantala, susubukan naman ng Senate Defenders na selyuhan ang ikaapat na pwesto sa liga sa oras na makabangga nito ang Judiciary bandang alas-tres ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?