60

Feb 12, 2020 @ 17:08
By

Malacañang Press Corps suportado ang ABS-CBN

Naglabas ng pahayag ang Malacañang Press Corps (MPC) nitong Miyerkoles kaugnay sa quo warranto petition na inihain laban sa ABS-CBN.

Nangako ang MPC na mananatiling mapagbantay sa tangkang paggamit ng legal remedies at process para supilin ang malayang pagpapahayag matapos ang pagsasampa ng quo warranto petition ng Office of the Solicitor General laban sa broadcast giant.

“The Malacañang Press Corps stands for the protection of press freedom and right to information, duly enshrined in the Constitution. In light of the recent developments, particularly to ABS-CBN’s franchise issue, the MPC deplores any attempt to curtail these freedoms, in any way and for,” bahagi ng pahayag ng MPC.

“We will remain vigilant against attempts to weaponize legal remedies and processes to suppress free expression, a key component of a healthy democracy and a right enshrined in the Contitution,” dagdag pa nito.

Noong Martes nanindigan ang ABS-CBN na wala itong nilabag na batas at walang outstanding tax liability sa gobyerno kaugnay ng isinampang petisyon sa Korte Suprema para i-nullify ang legislative franchise nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?