83

By

Malacañang: Nasa likod mo ang sambayanang Filipino, Manny!

Sharing is caring!

Nagpaabot ng pagbati ang Malacañang para sa tagumpay ng laban ni Senador Manny Pacquiao kay Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa ipinalabas na pahayag ng Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kasama nila ang sambayanan sa mga nagdarasal para sa panalo ni Pacquiao.

“The Palace wishes Senator Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao all the best as he faces Lucas Matthysse for the WBA welterweight title in Kuala Lumpur, Malaysia.

“We likewise pray for his success as he again carries Pinoy pride in the international boxing arena,” ani Roque.

Ang laban na ito ni Pacquiao na tinawag na “Fight of Champions”, ayon sa kalihim, ay magiging daan para muling magkaisa ang mga Filipinong nasa bansa at maging ang mga nasa ibayong-dagat.

Tiniyak ni Roque na nasa likod ni Pacquiao ang sambayanang Filipino.

“Dubbed as the Fight of Champions, this bout will certainly unite Filipinos here and abroad as the Pambansang Kamao enters the ring to banner the Philippine flag.

“Nasa likod mo ang sambayanang Filipino, Senator Manny. Mabuhay ka,” dagdag pa ni Roque. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?