33
harry-roque
Mar 5, 2018 @ 19:14
By

Malacañang nag-thank you sa tulong ng EU para sa mga drug center

Tila lumambot ang Malacañang sa European Union(EU) matapos itong mag-alok ng 3.8 million Euros bilang tulong upang palakasin ang drug rehabilitation program ng gobyerno.

Nagpasalamat ang Malacanang sa financial aid na inalok ng EU na malaking bagay upang mapondohan ang mga drug rehabilitation center sa buong bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kaya nagpasyang tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok ng EU dahil wala itong kakabit na kundisyon.

Ayon kay Roque ayaw ng Pangulo na makompromiso ang diginidad ng Pilipinas kaya nito tinanggihan ang mga unang alok na tulong sa bansa dahil tila dinidiktahan ang gobyerno kung ano ang dapat gawin.

Ayaw aniya ng Presidente na pinakikialaman ng dayuhang bansa ang mga panloob na usapin at polisiya ng bansa.

Ang alok na tulong ng EU ayon pa sa kalihim ay indikasyong kinakatigan nila ang domestic approach ng Pangulo na ang anti-drug war ay usaping pangkalusugan ng publiko.

” EUs’ desire to support our drug rehabilitation centers runs parallel with the Duterte administrations holistic approach to the drug problem by treating it not just a national security issue but a public health concern as well including rehabilitation and reintegration of the drug dependents,”dagdag pa ni Roque.

Ang tulong ng EU ay ibibigay sa Department of Health para magamit sa drug rehabilitation program ng pamahalaan.

Matatandaang mainit ang ulo ng Pangulo sa EU at ilang beses na minura dahil sa pakikialam sa drug campaign at minsan na ring tinanggihan ang alok na tulong dahil may mga kasamang kundisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?