179
Malacañang kumambiyo: ‘Oust Duterte matrix’ hindi galing kay Digong
May 2, 2019 @ 14:39
By

Malacañang kumambiyo: ‘Oust Duterte matrix’ hindi galing kay Digong

Nag-iba ng tono si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa isyu ng Oust Duterte matrix matapos itangging nanggaling ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Panelo na natanggap niya ang matrix sa hindi kilalang source kaya’t ipinalagay na katulad lang ito ng matrix na inilathala sa isang pahayagan.

Sinabi ni Panelo na ikinonsulta naman nito ang natanggap na matrix kay Pangulong Duterte sa pamamagitan ng pag-uusap nila sa telepono at binigyan aniya siya ng go signal ng Presidente para ilabas ito sa publiko.

Itinanggi rin ni Panelo na sa kanya nanggaling ang terminong oust Duterte matrix.

“Hindi, wala, wala siyang ibinigay (President Duterte). Basta may nagpadala lang sa akin ng matrix .Di ba, sabi ko sa inyo may nagpadala sa akin ng text. Ipinakita ko nga sa inyo nasa telepono ko. May nagtanong nga sinong nagpadala, sagot ko ‘ewan ko’,” ani Panelo.

Hindi naman masabi ng kalihim kung ano ang papel ng nagpakilalang “Bikoy” sa narco video sa matrix.

Matatandaang sa regular briefing noong Abril 22, 2019 ay direktang tinukoy ni Panelo si Pangulong Duterte na siyang pinagmulan ng oust Duterte matrix at bilin pa aniya ng Presidente na kapag may tanong ang media ay siya ang tanungin tungkol sa matrix.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?