115

Jan 21, 2019 @ 20:12
By

Malacañang kay Andaya: Tantanan muna si Diokno

Nanawagan ang Malacañang kay Congressman Rolando Andaya na tigilan na ang paninira sa miyembro ng gabinete partikular kay Budget Sec. Benjamin Diokno.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos mapalitan si Andaya bilang House Majority Leader.

Si Capiz 2nd District Rep. Fredenil Castro ang bagong ipinalit sa puwestong binakante ni Andaya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sinabi ng kalihim na kung may problema si Andaya kay Diokno ay kasuhan na lamang ito sa korte sa halip na siraan ito at gamitin ang media sa kanyang propaganda.

“We call on him to crase from waging media proganda war to besmirch the image and reputation of the Cabinet before the court of public opinion. If he has problems with the Budget secretary, we hope that he would look for an appropriate venue by just filing a case against him in the court of law,” ani Panelo.

Agad namang nilinaw ni Panelo na walang kamay ang Malacañang sa mga nangyayari sa Kamara at hindi nakikialam sa mga panloob na usapin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“The Executive has nothing to do with the political intramurals happening in the House of Representatives. We respect its independence, including its internal rules and affairs,” dagdag pa ni Panelo.

Hangad ng Malacañang ang mas magandang ugnayan ng Ehekutibo at Kongreso sa pamamahala ng bagong House Majority Leader.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?