23

Jul 16, 2021 @ 17:25
By

Malacañang ipinagmalaki: Mahigit 391,000 dose naibakuna sa 1 araw

Ipinagmalaki ng Malacañang na umabot sa halos 400,000 dose ang naibakuna sa mamamayan noong July 15 kaugnay sa vaccination program laban sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nalampasan ang dating record na 375,059 matapos maitala nitong Huwebes ang 391,283 dose na nagamit sa mga Pilipino.

Ito aniya ang pinakamataas na naabot sa ipinatutupad na vaccination rollout laban sa COVID-19.

“Nasa 391,283 ang naitalang daily jabs, ito po ang pinakamataas na naabot natin so far,” ani Roque.

Target ng gobyerno na maabot ang kalahating milyong pagbakuna kada araw hanggang sa maabot ang 70% na kabuuang populasyon bago matapos ang taon.

Sa kabuuan, nasa mahigit 14 milyon na ang nabakunahang mga Pilipino matapos simulan ang vaccination rollout laban sa COVID-19 noong Marso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?