69

Mar 19, 2019 @ 15:20
By

Malacañang hindi manghihimasok sa gusot sa 2019 budget

Maghihintay lamang ang Malacañang kung kailan maisusumite sa Office of the President ang enrolled bill ng 2019 national budget.

Sa harap ito ng ulat na nagbago na naman umano ng desisyon ang liderarto ng Kamara at pananatilihin ang kanilang House version sa national budget na naging dahilan kaya nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa mga senador.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nakausap niya si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ngayong umaga at tinanong niya ito tungkol sa 2019 national budget.

Sinabi aniya ni Arroyo na mag-uusap pa sila ng kanyang mga kasama sa Kamara bago maglabas ng desisyon.

“I was with the Speaker an hour ago at an event in Shangri-La BGC and I asked her. She said they are precisely meeting to tackle that, and she confirms that it’s Congressman Zamora who is negotiating,” ani Panelo.

Naantala nang husto ang 2019 national budget dahil sa mga isiningit umanong budget ng Kamara na pinaniniwalaang pork barrel fund at mahigpit na tinututulan ito ng Senado.

Sinabi naman ni Panelo na hindi pa rin sila manghihimasok sa gusot ng Kongreso at hihintayin lang ng Palasyo kung kailan isusumite ang enrolled bill.

“That’s the reason why they are meeting today. Let’s just wait for that,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?