35
ABANTE roque palasyo ovp vice president control
Feb 16, 2018 @ 15:06
By

Malacañang, hindi makikialam sa impeachment ni Sereno – Roque

Pinanindigan ng Malacañang ang pagdistansiya sa anumang isyung may kinalaman kay Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Kasunod na rin ito ng pahayag ni Congressman Vicente Veloso, na tumatayong vice chairman ng House Committee on Justice, na maaaring i-dismiss o bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment ni Sereno bilang Punong Mahistrado ng SC.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ipapaubaya na nila sa Kongreso ang magiging kapalaran ni Sereno.

Hindi aniya makikialam o manghihimasok ang Malacañang sa isyung kinakaharap ni Sereno kaugnay sa impeachment complaint batay sa mga reklamong inihain ni Atty. Larry Gadon.

Batay sa naging pahayag ni Veloso, iisa lamang ang isinumiteng Statement of Assets,Liabilities and Net worth o SALN ni Sereno sa Judicial and Bar Council (JBC) sa panahon ng deliberasyon ng kanyang nominasyon noong 2012.

Sa utos ng JBC, dapat lahat ng SALN ni Sereno ay isumite nito pero iisa lang ang ibinigay.

Binigyang-diin ni Veloso na mayroong 1963 Supreme Court decision na kung hindi nasunod ang mga requirements sa panahon ng appointment, walang karapatang manatili sa puwesto ang isang itinalagang opisyal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?