199

Jan 1, 2020 @ 17:25
By

Malacañang galit sa pagkamatay ng OFW sa Kuwait

Ikinagalit ng Malacañang ang panibagong insidente ng pagkamatay ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait na kagagawan umano ng among babae.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang pagkamatay ng biktimang si Jeanelyn Padernal Villavende ay isang malinaw na pagbalewala sa kasunduang pinagtibay ng Pilipinas at Kuwait noong 2018 para sa proteksiyon at karapatan ng mga manggagawang Pinoy sa nabanggit na bansa.

“The Palace expresses its outrage over the death of Filipino worker, Jeanelyn Padernal Villavende. We consider Jeanelyn’s tragic death a clear disregard of the agreement signed by both our country and Kuwait in 2018 which seeks to uphold and promote the protection of the rights and welfare of our workers in Kuwait,” ani Panelo.

Nagpaabot ang Malacañang ng pakikiramay sa pamilya ng biktima at inatasan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ibigay ang nararapat na benepisyo sa pamilya ni Villavende, kabilang na ang tulong sa pagpapalibing, livelihood assistance, at scholarship sa miyembro ng pamilya.

Sinabi ni Panelo na binabantayan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ang resulta ng forensic investigation sa biktima.

Hawak na aniya ng Kuwaiti police ang among babae ni Villavende na siya umanong pumaslang sa kanya.

“We condole with the members of the family and loved ones of Jeanelyn. The Philippine Overseas Labor Office is closely monitoring the results of the forensic investigation while coordinating with the family of Jeanelyn for the repatriation of her remains,” dagdag ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?