133

By

Malacañang duda sa salungat na bersiyon ng kapitan, cook ng Filipino boat

Hindi maiwasang magduda ng Malacañang sa magkaibang bersiyon ng kuwento ng kapitan at cook ng F/B Gem-Ver 1 nang banggain ng Chinese fishing boat ang kanilang bangka sa Recto Bank noong Hunyo 9.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kinakailangan talagang magkaroon ng imbestigasyon ang Pilipinas at China sa insidente sa nangyaring insidente para malaman ang tunay na pangyayari.

Ayon kay Panelo, batay sa pahayag ng kapitan ng bangka na si Junel Insigne, sinadya ang pagbangga sa kanila ng Chinese vessel pero sa bersiyon ng cook na si Richard Blaza, mukhang hindi aniya sila nakita ng Chinese fishing boat.

Ang magkaibang bersiyon ng pahayag nina Insigne at Blaza ang isa sa mga dahilan kaya nag-iingat ang Malacañang sa pagpapalabas ng pahayag sa naganap na insidente dahil wala pang konkretong report hinggil sa insidente

“Hindi natin alam na iisa lang pala nakakaalam noong pangyayaring iyon dahil tulog lahat iyong fishermen. In fact, ginising niya pa iyong kapitan and he was starting the engine para—pero too late. So iyon ang mga—in other words, what I’m saying now is, may mga circumstances that give doubt to the version, kaya kailangan imbestigahan na talaga natin. Formal inquiry na kailangan dito. O, iyon ang point doon,” ani Panelo.

Maging si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay may agam-agam din sa mga natanggap na impormasyon hinggil sa insidente kaya nais din nitong malaman ang totoong nangyari, kung sinadya ba o hindi ang pagbangga sa bangka ng 22 mangingisda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?