576
rappler-harry
By

Malacañang, ‘di pabor sa FB partnership sa Rappler, Vera Files

Sharing is caring!

Kinontra ng Malacañang ang ginawang pagtapik ng Facebook sa Rappler at Vera Files para mag-fact check sa fake news sites sa nasabing Social network company.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, isa siya sa nagulat dahil biktima siya ng Rappler at nakakabahala aniya ito.

Hindi lang aniya siya ang tutol sa ginawang pagpili ng Facebook dahil maraming ayaw sa Rappler at Vera Files.

“Isa na ako doon sa nagulantang dahil ako mismo ay nabiktima ng fake news niyang Rappler na iyan, doon sa sinabi ko raw na bawal daw ang mga Filipino mag-scientific research. Nakakabahala po talaga iyan. Nakakabahala po talaga.

“I commiserate with those who object for the selection of Rappler and Vera Files because we know where they stand in the political spectrum,” ani Roque.

Ang magagawa aniya sa ngayon ay mismong ang Facebook users at Duterte Diehard Supporters (DDS) ang magreklamo sa Facebook at ipabatid na mali ang napiling maghanap ng fake sites dahil ito mismo ang gumagawa ng fake news.

“Dapat talaga ay putaktihin ng lahat ng mga DDS ang Facebook at sabihin mali ang napili nila na mag-vet ng fake news dahil sila nga ang gumagawa ng fake news. At dami naman natin dito sa internet, mga DDS ‘no, sa tingin ko ay masa-shock din ang management ng Facebook at makikinig sa atin. Ang solusyon diyan ay tayo ang gumagamit ng Facebook, tayo ang magreklamo; hindi tayo dapat pumayag diyan,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?