26

Dec 18, 2018 @ 11:59
By

Malacañang desididong buwagin ang Road Board

Walang pagbabago sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ang Road Board.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na matigas ang paninindigan ng Pangulo na buwagin na ang Road Board dahil nagiging gatasan lang ito ng mga mambabatas para pondohan ang kanilang mga proyekto.

“Well ang Pangulo, ayaw niyang irelease ang Road User’s Tax. Kasi di ba, sabi ni Secretary Diokno iyon ang cash cow ng mga congressmen,” ani Panelo.

Nagtataka aniya ang Malacañang kung bakit nagbago ang posisyon ng Kamara at binabawi ang kanilang posisyon na buwagin na ang Road Board gayong ang kanilang bersiyon ang inadapt (adapt) ng senado para mabilis na maisabatas ang pagbuwag sa Road Board.

Sinabi ni Panelo na sa sandaling makarating sa Office of the President ang pinal na bersiyon ng panukalang bersiyon na bubuwag sa Road Board ay agad na pipirmahan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Hindi nga namin maintindihan kung paano…supposed to be na- abolish na iyon,bakit bumalik. Hindi nga namin alam kung paano nangyari iyon,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?