69

Feb 17, 2020 @ 19:35
By

Malacañang dedma na kay Trillanes

Ipinagkibit-balikat lamang ng Malacañang ang pahayag ni dating senador Antonio Trillianes IV na hindi siya natatakot sa nag-aabang na warrant of arrest sa kanya pagbalik sa Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi na mag-aaksaya ng panahon ang Palasyo kay Trillanes at hindi na sasagot pa sa anumang sasabihin nito.

Hahayaan na lamang aniya ng Malacañang na magsalita si Trillanes kung anuman ang gustong sabihin dahil hindi na ito papatulan pa ng Palasyo.

“You know, we cannot be wasting time responding to nonsense coming from a discredited, disgraced senator. Hayaan mo na siya,” ani Panelo.

Wala rin aniyang balak ang ehekutibo na makialam sa anumang kasong kinakaharap ng dating senador sa korte.

“You must remember na palaging ang posisyon ni Presidente ‘pag may kaso na, hayaan mo na ‘yung korte,” dagdag pa ni Panelo.

Nitong nakalipas na linggo ay nagpalabas ng warrant of arrest ang korte laban kay Trillanes matapos makita ng piskalya na may batayan ang reklamong inihain laban sa dating senador kaugnay sa viral video na nagdidiin kay Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito sa umano’y illegal drug trade sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?