710
Malacañang: Cayetano may respeto sa pera ng taumbayan
Nov 19, 2019 @ 19:34
By

Malacañang: Cayetano may respeto sa pera ng taumbayan

Tiwala si Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi gagawa ng mali si House Speaker Alan Peter Cayetano lalo na kung ang gamit ay pera ng taumbayan.

Kaugnay ito ng kontrobersiyal na P50 million stadium cauldron na gagamitin sa Southeast Asian Games.

“I’m sure, hindi naman gumagawa si Speaker Alan, hindi gagawa ‘yan ng mali with respect sa pera ng bayan,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na mas mainam na marinig muna ang panig ng House Speaker sa mamahaling cauldron bago ito husgahan.

Kung magkakaroon naman aniya ng kapalpakan sa SEA Games, si Cayetano ang mananagot dahil siya ang nagpapatakbo sa kanyang kapasidad bilang bilang head ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Commitee o Phisgoc.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?