105

By

Malacañang biktima ng fake news

Hindi nakaligtas ang Palasyon sa mga nasa likod ng propaganda ng fake news matapos kumalat ang isang dokumento na nag-aatas ng non-contact apprehension laban sa mga driver at operator ng Transport Network Vehicle Service o TNVS.

Sa ipinalabas na pahayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea, itinanggi nitong nagpalabas ito ng memorandum para sa non-contact apprehension ng TNVS.

Binigyang-diin ni Medialdea na peke ang dokumentong kumalat sa ilang ahensiya ng gobyerno.

“The Office of the President advises the public that Executive Secretary Salvador C. Medialdea has not signed or caused the release of a particular document, which is labelled as Memorandum No. 636, purportedly adopting a no contact apprehension for Transportation Network Vehicle Services (TNVS) drivers or operators. The document is fake. Please be guided accordingly,” ang mensahe ni Medialdea.

Nakasaad sa bogus na memorandum na exempted na simula sa Lunes, July 15 ang mga TNVS driver at operator na walang provisional authority o walang certificate of public convenience.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?