2,103

By

Malabo nang ipagpaliban ang barangay, SK elections – Alvarez

Tanggap na ni Speaker Pantaleon Alvarez na huli na para i-postpone ang nakatakdang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa darating na Mayo.

Itoý kahit pa aprubado na sa huling pagbasa ng Kamara ang panukalang nagpapaliban ng barangay at SK elections sa ikalawang Lunes ng Oktubre 2018.

“Medyo masikip talaga dahil wala namang naka-file na bill sa Senado. Well, that’s how democracy works. Okay lang sa amin yun,” sabi ni Alvarez.

Nauna nang sinabi ni Senate President Aquilino Pimentel III na wala nang panahon ang mga senador para talakayin ang panukalang postponement ng halalang-pambarangay.

Bukod sa wala itong counterpart bill sa Senado, magbabakasyon na rin ang sesyon ng Kongreso mula March 24 hanggang May 13. Gaganapin ang barangay elections sa May 14, kasabay ng balik-sesyon.

Kaugnay nitoý sinabi ni Alvarez na malamang na isabay na lamang ang plebisito sa Charter Change sa mid-term elections sa 2019.

Sabi ng Speaker, malabo rin namang makapagdaos ng plebisito sa Oktubre dahil magiging abala na ang Kongreso sa pagtalakay sa panukalang pambansang pondo sa 2019.

“Normally, sa SONA, binibigay ng ating Pangulo yung NEP (National Expenditure Program), yung budget natin for 2019. So pagbigay sa amin niyan, siyempre bibigyan natin ng priority ‘yan. And normally, ‘yung deadline na binibigyan ng DBM sa atin, mga November,” ayon kay Alvarez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?