72

Mar 29, 2019 @ 17:08
By

Malabanan, FEU doble-kayod vs UE

Mga Laro sa Sabado/Marso 30

(Mall of Asia Arena, Pasay City)

2:00pm — UE vs FEU

4:00pm — UP vs Ateneo

Magpapasiklab sa opening match ngayong Sabado sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament ang Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws at ang University of the East (UE) Lady Warriors alas-2 ng hapon sa second round eliminations ng torneo na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Masakit man para sa Lady Tamaraws ang pagka-injure na kanilang ace rookie na si Lycha Ebon noong Marso 24 laban sa Lady Falcons, wagi naman ang mga ito kontra sa Adamson via 5-set match 30-32, 25-20, 23-25, 25-20, 15-13.

Malaking bagay para sa FEU volleybelles ang pag-step up ni team captain Jerrili Malabanan na may walong puntos.

“Like what coach always tells me since I’m the captain he wants me to be the one leading the team on the court,” sabi ni veteran open spiker Malabanan.

“When he takes me off the court he always tells me that it’s my time to recoup and refocus. When I get back in, I know how I can really help the team.”

Galing din sa tagumpay ang Lady Warriors nang mapataob nila ang young squad ng NU Lady Bulldogs noong Marso 20.

Apat na sets ang kinailangan ng UE upang makuha ang kanilang ikawalang panalo sa torneo 25-16, 25-18, 24-26, 25-16.

Humataw para sa koponan sina veteran open spikers Me-Ann Mendrez at Judith Abil na may 19 at 13 points sa laban na iyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?