48

Dec 23, 2017 @ 16:58

Mala-kidlat na tres pinukol ni Westbrook; Hawks dapa sa Thunder

Bumitaw ng mala-kidlat na 3-pointer si Oklahoma City Thunder’s Russell Westbrook sa 1.7 segundong nalalabi sa orasan at pinauwing luhaan ang Atlanta Hawks, 120-117, nitong Biyernes (Sabado, Manila time)

Nagsilbing lider sa Thunder si Westbrook sa naitalang 30 points at 15 assists habang may 24 si Carmelo Anthony at 17 si Paul George.

Abante ng 92-88 ang Hawks sa 8:49 ng laro matapos ang basket ni Kent Bazemore.

Pagpasok sa laro ni Westbrook ay nanguna ito sa 16-5 ratsada ng Thunder habang bumitaw ng 3-pointer sa 5:34 si Anthony at lamang na ang Oklahoma City, 104-97.

Nakabalik naman ang Hawks at naitabla ang laro sa 117-all sa dalawang free throws ni Ersan Ilyasova sa 11.1 segundo sa orasan.

Matapos ang timeout, pinasa ni George ang bola kay Westbrook na kumana ng huling tira sa harap ni Atlanta’s Taurean Prince.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?