55

Feb 20, 2021 @ 18:59
By

Mala-hotel na mansyon ni John Travolta, for sale na

Ibinebenta na ni Hollywood star John Travolta ang kanyang mala-hotel na bahay sa US state na Maine.

Mala-hotel ang mansion dahil sa mayroon itong nakamamanghang 20 bedrooms!

Sa halagang $5 million o nasa P242 milyon ay mapapasaiyo na ang New England compound na mayroon ding pitong banyo.

Maliban doon, mayroon ding 14 guest room ang 3-story house.

Inilaan para sa mga bata ang ikatlong palapag ng bahay na tinatawag na “Fantasyland”.

May classroom ito, library, diner, theater stage at apat na themed bedrooms kabilang ang Peter Pan room at Princess room.

May lawak ang mansyon na 10,830 square feet at matatagpuan sa Isleboro, isa sa mga tiny islands sa Maine coastline.

Taong 1991 binili ng “Face/Off” actor at kanyang namayapang asawang si Kelly Preston ang bahay, kung kailan din sila ikinasal.

Naitampok pa ang bahay sa Architectural Digest noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?