14

Jul 25, 2020 @ 9:33
By

Mala-George Floyd murder: Pulis-Zamboanga tinuhod leeg ng violator

Kumalat sa social media ang isang video kung saan makikita ang pagpapadapa ng isang pulis sa indibiduwal na lumabag sa checkpoint, at saka tinuhod ang leeg nito.

Kinilala ang pulis na si P/ Maj. Jivertson Pelovello, station commander ng Zamboanga City Police Station 7, kung saan ayon kay PRO-9 Regional Director Brig. Gen. Jesus Cambay Jr. ay tinanggal muna ito sa serbisyo abang gumugulong pa ang imbestigasyon.

Ayon kay Cambay, makikita na hindi rasonable ang brutal na pag-apprehend ng nasabing pulis sa violator gayong makikitang sumusunod naman ito sa awtoridad.

“It is unfortunate that the viral video seems to suggest brutality or application of unreasonable force disproportionate to subdue a seemingly cooperative suspect,” saad ni Cambay.

Matatandaan na pagtuhod din sa leeg ang ginawa ng isang pulis sa Estados Unidos sa black man na si George Floyd, kung saan pumanaw ito kinalaunan matapos hindi makahinga dahil sa ilang minutong panunuhod ng pulus.

“The PNP organization never tolerate its police personnel who performed their duty beyond what is being laid down in the PNP operational procedure,” saad naman ng PRO-9 Public Information Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?