112
views

By

Makuwentang female personality tinigok ang show

Sharing is caring!

Ayaw munang kumuha ng manager ng isang kilalang female personality. Ang kanyang dahilan, kahit wala naman siyang manager ay may mga kukuha pa rin sa kanyang serbisyo, dahil sikat siya at kumikita ang mga pelikulang ginagawa niya.

Parang nakabilao niyang ibinebenta ang kanyang sarili, siya na ang produkto, siya pa rin ang manager na nakikipag-usap sa mga kumukuha sa kanya.

Ayaw rin niyang kumuha ng PA, ang mga tsismis daw kasi tungkol sa mga artista ay nagsisimula sa mga alalay, kaya siyang mag-isa na lang ang nagbitbitbit ng kanyang mga kagamitan.

Siya lang ang nagmamaneho, ayaw niya ring kumuha ng driver, ang dahilan niya naman ay aalalahanin pa niya ang kanyang piloto habang nagtatrabaho siya.

Kuwento ng aming source, “Bago ang manager na kinuha niya, e, may isang staff sa isang network na parang kinuha niyang secretary. Tagatanggap lang ng mga calls ‘yung kinuha niya, siya pa rin ang nagdedesisyon, hanggang sa umalis na sa kanya ang staff.

“E, kasi nga, hindi niya naman pinasusuweldo ‘yung tao, samantalang inaasikaso nu’n ang mga transactions niya! Hanggang sa kumuha na nga siya ng manager.

“E, may kakambal pala siyang calculator, kinukuwenta niya kung magkano ang komisyon na kinukuha ng manager niya, hanggang sa naisipan niyang umalis na sa manager at mag-isa na lang niyang ibinebenta ang sarili niya sa mga producers.

“Ang laki-laki raw kasi ng nawawala sa kanya, siya raw ang umaarte, siya ang nagpapakapagod at nagpupuyat, pero bakit ang laki ng kinakaltas na commission ng manager niya?” unang kuwento ng aming impormante.

Du’n nagkamali ang female personality. Kung meron pa rin siyang manager, meron sanang nakipaglaban sa kanya nu’ng malaman niyang titigukin na ang show niya, ang manager sana niya ang nakipagdikdikan na huwag tanggalin ang programa niya.

Sabi ng aming source, “’Yun ang hindi niya naisip, mahirap ipaglaban ang sarili, lalo na kung ang dami-dami nang kuwentong lumalabas tungkol sa attitude niya sa trabaho!” ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?