20

Nov 24, 2021 @ 21:45
By

Makulit na Korean bagsak sa kulungan

Dahil sa kakulitan, kalaboso na ay nakasuhan pa ang isang Korean.

Ayon sa ulat, dinakip ng mga operatiba ng Manila Airport Police Department ang Korean na si Kyong Woo Noh, 36, taga-Barangay Don Bosco, Parañaque City.

Ani Airport Police Investigator Jesus Ducusin, binitbit ng security guard si Kyong matapos paulit-ulit na magpumilit pumasok sa International Cargo of the Philippine Skylanders Inc. sa Pasay City.

Sinampal ang suspek ng kaukulang kaso at nakadetine sa Bureau of Immigration facility.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,