163

Nov 3, 2018 @ 18:12

Makinig ka sa maralita, ‘wag lang sa mga negosyante – Sister Fox kay Duterte

Bago umalis sa Pilipinas, nagbigay ng mensahe si Sister Patricia Fox para kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Fox sa thanksgiving mass sa St. Joseph Church sa Quezon City, dapat umanong makinig si Duterte sa mga ‘maliliit na tao’ at maralitang Pilipino.

“Sana makinig siya sa mga daing ng maliliit na tao. ‘Di lang ang military, ‘di lang mga business people, pero mga urban poor, mga manggagawa, mga katutubo,” pakli ni Fox.

Nagkaroon din ng mensahe si Fox para sa mga Pilipino, sinabi na dapat suportahan ang mga welga dahil para ito sa mga sektor ng Pilipinong hikahos sa buhay.

“Dapat sana may support sa mga strikes nila kasi may karapatan silang magwelga. Karapatan nila ang regular na trabaho…. Dapat magpalakas to be in solidarity with the people,” ayon kay Fox.

“To be Christian, dapat kumilos, dapat maingay, dapat kung nandiyan na ang mga inaapi, dapat nandiyan ,” dagdag din niya na galing umano kay St. Francis.

27 taong nanirahan si Fox sa bansa, na kilalang aktibo upang ipaglaban ang mga karapatan ng mga magsasaka at maralitang Pilipino.

Matatandaang inakusahan si Fox ng pagsali sa mga ‘political activity’ na bawal sa isang banyagang naninirahan sa ‘Pinas, ngunit nilinaw ng madre na parte ito ng kanyang adbokasiya bilang misyonaryo. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?