167

Jan 20, 2021 @ 15:53
By

Makati Shangri-La magsasara na

Nagdesisyon ang Shangri-La Group na isara muna ang kanilang Makati Shangri-La, Manila dahil sa tumataas na “financial pressure” na dulot ng coronavirus pandemic.

Sa sulat na ipinadala ng kompanya kay Philippine Hotel Owners Association President Arthur Lopez nitong Jan. 20, sinabi ng Shangri-La Group na magbabawas din sila ng mga empleyado.

“As part of the reorganisation exercise, we will sadly be parting ways with a number of colleagues and we will be temporarily closing Makati Shangri-La, Manila from 1 February 2021 onwards,” sabi ng pamunuan ng hotel sa isang pahayag.

Dagdag nito, sa nakalipas na sampung buwan ay sinikap nilang tulungan ang kanilang mga rank and file employee.

“Despite our best efforts, the prolonged recovery timeline has resulted in increasing financial pressure on the company here in the Philippines. Owing to continued low business levels and having considered all viable options over weeks of consideration and deliberation, we unfortunately must now make the extremely difficult decision to reorganize our workforce and operations in the Philippines as we continue to navigate an uncertain business environment,” lahad nito.

Inaasahan nilang muling makakapagbukas ang Makati Shangri-La, Manila sakaling bumuti na ang kondisyon ng kanilang negosyo.

“We continue to vigilantly monitor local and global developments and look forward to reopening Makati Shangri-La, Manila at a later date when business conditions have improved,” dagdag ng hotel management.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?