129
trillanes2
By

Makati RTC magdedesisyon na sa kudeta case vs Trillanes sa susunod na linggo

Sharing is caring!

Walang lalabas na warrant of arrest ngayong araw laban kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Police Senior Superintendent Rogelio Simon, hepe ng Makati Police, sinabi sa kanya ni Judge Andres Soriano, presiding judge ng Makati Regional Trial Court Branch 148, na sa susunod na linggo pa ito magbababa ng desisyon kung ipadarakip o hindi si Trillanes.

Sa ngayon, ‘submitted for resolution’ ang petisyon ng Department of Justice (DOJ) na arestuhin si Trillanes at isyuhan ng hold departure order.

Nagpetisyon ang DOJ matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnestiya ng senador sa pamamagitan ng Proclamation No. 572.

Sakaling ipaaresto si Trillanes, sinabi ni Simon na hindi ito sa Makati City Jail maikukulong dahil wala silang pasilidad para sa senador.

Malamang umanong sa Camp Crame o sa kulungang itatakda ng korte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?