6

Dec 22, 2020 @ 18:36
By

Makati, QC nananatiling ‘coronavirus hotspot’

Nananatiling “coronavirus hotspot” ang Metro Manila partikular na ang Makati at Quezon City.

Ayon sa OCTA Research, ang nabanggit na lugar ang dapat pagtuunan sa pagsisikap ng gobyerno na pigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Inirekomenda ng grupo ang pagpapatupad ng localized lockdown na may mas mahigpit na border control.

Anim sa 17 lungsod sa Metro Manila ang may pagtaas ng bagong kaso ng coronavirus sa loob ng dalawang linggong pagsubaybay.

Kinokonsiderang areas of concern ang Makati City, San Juan City, Marikina City, Quezon City, Malabon City at Taguig City.

Maliban sa Metro Manila, tinukoy din ng OCTA Research team ang mga siyudad ng Santiago at Ilagan sa Isabela, Baguio City at La Trinidad sa Benguet, Cainta (Rizal), Batangas City (Batangas), at Ormoc at Tacloban sa Leyte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?