141

Nov 21, 2020 @ 15:32

Makati nag-alok ng murang COVID-19 test

Ginawang abot-kaya ng Makati City government ang halaga ng swab testing.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Mayor Abigail Binay na P2,950 ang alok nilang RT-PCR test kumpara sa P4,500 hanggang P8,000 sa ilang klinika at ospital sa Metro Manila.

Nakipag-alyansa aniya ang city government sa mga public hospital at ilang private testing laboratory, na layuning magamot agad ang mga kumpirmadong COVID-19 patient.

“I have always believed in mass testing as a way to prevent further transmission of the coronavirus. From the very start, Makati has looked for ways to bring Covid-19 tests to our employees and residents, especially the most vulnerable sectors of society,” pahayag ni Binay.

Maaari raw mag-avail ang mga negosyante at iba pang pribadong kompanya ng pooled testing o at least sampung katao, na nagkakahalaga ng P1,000 kada tao.

Sa mga interesado ay maaaring mag-book ng kanilang RT-PCR test sa pamamagitan ng pag-log in sa www.safemakati.com.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?