28

Jan 6, 2021 @ 19:41
By

Makati judge sa cyber libel case ni Ressa umatras

Binitiwan ni Makati Regional Trial Court Branch 147 Acting Presiding Judge Amifaith Fider-Reyes ang paghawak sa ikalawang kasong cyber libel laban kay Rappler CEO Maria Ressa.

Sa kautusan, nag-inhibit si Judge Fider-Reyes sa kaso “to avoid the impression that the decisions of this Judge are influenced or affected by the correspondence received from this e-mail address.”

Ito’y matapos niyang makatanggap ng death threat noong December 4, 2020 mula sa e-mail address na gabrielalejandro865@yahoo.com.

Sa e-mail, sinabihan si Judge Fider-Reyes na ibasura na ang kaso laban kay Ressa kundi ay papatayin siya.

“Ang tagal na din ng article na yan wala ba syang karapatan magpahayag ng saloobin nya? Please, ngayon lang. Kasi kung hindi patawad po talaga. Ngayon pa lang ako makakapatay ng tao, hahagilapin ko kayo. Salamat po,” mababasa sa email.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?