24

Sep 8, 2021 @ 21:44
By

Makati Business Club pabor sa bukas ekonomiya

Dismayado ang mga tao at desperado na ang marami para magtrabaho ngunit mabagal pa ang pagbabakuna laban sa COVID19, ayon sa Makati Business Club kahapon.

Suportado ng MBC ang pagbubukas ng ekonomiya base sa mga patakarang suportado ng siyensya para mas maraming Pilipino ang makapagtrabaho at mapangalagaan ang kanilang mga pamilya.

Nakatutulong man ang ‘bakuna benefits’ at granular lockdowns, sinabi ng MBC na kailangang suportado ito ng maigting na contact tracing, quarantine, isolation, hospitalization at testing para hindi pa ulit ulit na bumubugso ang mga kaso ng COVID19 at hindi na rin magpaulitulit pa ang malawakang mga lockdown.

Sabi ng MBC, malaking trabaho ito ngunit handang tumulong ang private sector sa national government at mga local government units para maglatag ng mga hakbang para sa ligtas na pagbubukas muli na ekonomiya.

Ayon pa sa MBC, kulang pa rin ang pagbabakunang nangyayari kahit may sarili nang vaccination program ang private sector na sumasalo sa ginagawang pagbabakuna ng pamahalaan.

“Our people are frustrated and getting desperate. We need to get more and more people safely back to work,” sabi ng MBC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?