29

Jun 11, 2020 @ 19:43

Makatao, matulungin, maprinsipyo: Daniel Padilla nangangamoy politika sa 2022

Marami ang kinilabutan sa latest Instagram post ni Karla Estrada na kung saan ay pinagtabi niya ang mga photo ni Daniel Padilla at ng great grandfather nito na si Jose Padilla.

Si Jose Padilla nga ang ama ng tatay nina Robin, Rommel Padilla.

“Mga momshie heto naman ang great grandfather ng mga anak ko na sina Daniel Padilla at Jose Carlito Padilla. Ang lolo Jose ni Daniel at ni Jose Carlito ay naging Gobernador ng Bulacan noong 1928-1931 at muli ay nahalal noong 1934-1937,” sabi ni Karla.

Sa tingin ni Karla, sa great grandfather niya nagmana si Daniel.

“Alam na natin saan naggagaling ang pagiging makatao, maprinsipyo, matulungin at may puso sa kapwa ni @supremo_dp at @sprakenheighten. Ito ay nananalaytay sa dugo at katauhan ng kanilang mga ninuno na naipasa sa bawat henerasyon ng pamilya Padilla!”

Pakiramdam ng mga fan, parang reincarnation nga raw si Daniel ni Lolo Jose.

aikzzz091427: “Wow ngayon ko lang nalaman na nasa history pala sya ng Bulacan. Well, kamukang-kamuka nga siya ni Daniel lalo sa mata.”

At tingin pa rin ng mga fan, kay Lolo Jose rin namana ni Daniel ang pagiging malapit sa mga tao.

kathpollo; “No wonder why DJ loves the people around him especially his supporters.”

pallarca.hannah: “alam na kung saan nagmana ng kabutihan.”

At ang mga pagkakahawig nga, at last part ng mensahe ni Karla rin ang naging basehan ng mga fan para isipin na papasok sa politiko ang idolo nila. Eh, kelan ba ang susunod na eleksiyon, di bas a 2022?

anneriveraquizon: “Mukang gustong pasukin ang politics! Why not?”

osangdip20: “Oo nga po Tita eh nasa dugo na niya ang pagiging makatao, matulungin at higit sa lahat mapagmahal sa kapwa. God will guide, protect and blessed his golden heart. Keep safe po kayo lagi.”

Well, hindi na baguhan si Daniel sa takbo ng politika. Maraming beses na siyang nangampaniya noon para sa kanyang mga mahal sa buhay.

At sabi nga, dahil nasa dugo ang politika, hindi kataka-taka na sa ganitong mundo rin mauwi si Daniel.

At lalo na ngayon na nagiging aktibo na rin si Daniel sa paglalahad ng kanyang damdamin sa mga isyu at sitwasyon sa Pilipinas, mukhang hindi talaga kataka-taka, di ba?

Luane Dy enjoy magpadede

‘Padede Mom’ na nga talaga si Luane Dy sa kanyang firstborn na si Jose Christiano. Sa latest Instagram post niya, ipinasilip niya ang pagpapabe-breastfeed sa anak.

“First 40 days #xpiotos #gonzigang,” sabi niya.

Kakaibang kaligayahan at fulfillment ang dulot ng anak sa buhay nila ng asawang si Carlo Gonzales.

“Buong buhay kong pagmamahal sayo’y ipadarama. Masuklian lamang sa aki’y tunay mong halaga. Ikaw ang buhay ng aking buhay sinta. Tunay, mahal na mahal kita,” sabi pa ni Luane.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?