43

May 30, 2020 @ 17:01
By

Makasaysayang hotel sa Iloilo nagsara

Nagdesisyong magsara ang isa sa pinakamatandang hotel sa Iloilo City dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.

Matapos ang halos kalahating siglo ng operasyon, magsasara na ang Mansion Iloilo, dating Sarabia Manor Hotel, matapos alisin ang community quarantine.

“The Mansion wishes to convey to the general public that we are constrained to continue to cease our operations indefinitely after the lifting of the community quarantine of Iloilo City until such a time that the hospitality industry has recovered and the company may be able to sustain its viability,” sabi sa inilabas na statement ng hotel management.

Nabili ng Brightside Properties and Resorts Inc., ang four-star hotel noong 2017 sa pamilya Sarabia, na siyang unang nagmay-ari nito noong 1970s.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?