580

Jun 27, 2019 @ 10:36
By

Makalipas ang lampas 1 taon: Song Joong Ki kakalas kay Song Hye Kyo

Naghain ng divorce ang sikat na South Korean actor na si Song Joong Ki para mapawalang-bisa ang kasal nila ng Hallyu actress na si Song Hye Kyo.

Sa official statement ng aktor, kinumpirma nito ang pakikipaghiwalay sa asawa, na ikinasal noong Oktubre 2017.

“On June 26, we filed a request for divorce on behalf of Song Joong Ki with Seoul’s family court,” ayon sa legal representative ng aktor.

Nais din ng aktor na ‘wag maglabas ng spekulasyon ang madla sa kanilang paghihiwalayan at hiling ang mapayapang pagdi-divorce.

have decided to move forward in a divorce with Song Hye Kyo. Rather than lengthening the process by considering each other’s faults and deriding each other, I hope to complete the divorce amicably,” paliwanag ng 33-anyos na aktor.

“I ask for your understanding in the fact that it is difficult to reveal the specific details of our personal lives, and I promise to overcome these damages and do my best as an actor in my production roles from now on,” pagtatapos ng aktor.

Sumagot naman si Song Hye Kyo, sabing dahil sa ‘differences of personalities’ kaya naghiwalay ang dalawa.

Nagkasama ang dalawa sa hit Korean drama na ‘Descendants of the Sun’ at sa serye nagkamabutihan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?