75

By

Makalipas ang 21 taon, UP nabasag ang sumpa ng Final 4

Sharing is caring!

Lampas dalawang dekada ang hinintay ng University of the Philippines Fighting Maroons para muling makatungtong ng semis.

At ngayon, mukhang magkakaroon ng pagdiriwang sa lahat ng mga campus ng UP.

Wagi ang Fighting Maroons kontra sa De La Salle Green Archers, 97-81, na naging dahilan ng pagsampa nila sa Final Four.

Nanguna para sa Maroons ang magkapatid na Juan at Javi Gomez de Liano, na maagang bumulusok sa first half nang kumamada ng pinagsamang 25 puntos na binuo ng anim na tres.

Tumapos si Juan ng 27 puntos, apat na assists, at tatlong rebounds at ang kanyang kapatid na si Javi ay kumamada ng 19 puntos.

“I really didn’t expect the kind of response my players did to start the game. I just painted to them the picture of us not having any accolades in the last few decades, for all of us who have a chance to do this for the community,” saad ni UP head coach Bo Perasol.

“While we are trying to enjoy this, there is still a game to play and that’s the Final Four,” dagdag niya.

UAAP Season 60 pa huling nakaabot ng semis ang UP, panahon pa nina Paolo Mendoza at yumaong Brian Gahol.

Haharapin ngayon ng UP ang 2nd seed na Adamson Soaring Falcons sa Nobyembre 24, samantalang posible pang humarap ang DLSU sa FEU Tamaraws kapag natalo ng Tams ang Adamson sa Nobyembre 21.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?