208

Sep 19, 2019 @ 16:18
By

Makalipas ang 19-taon: Polio kumpirmado sa ‘Pinas

Binabantayan ngayon ng Department of Health (DOH) ang isang kumpirmadong kaso ng polio sa bansa para putulin ang pagiging ‘polio free’ ng Pilipinas sa nakalipas na 19 taon.

Ayon sa DOJ, isang kaso ng polio ang kumpirmado sa Lanao del Sur, habang nakakita naman ng poliovirus ang ahensya sa mga water sample sa kanal ng Maynila at Davao.

Matatandaan na noong Agosto ngayong taon ay nagbabala na ang DOH sa posibleng pagpasok ng polio sa bansa.

Dahilan ni Health Secretary Francisco Duque III, ito’y dahil sa pagbaba ng mga kumukuha ng bakuna kontra polio sa mga nagdaang taon.

Ang polio ay isang nakahahawang sakit na nagdudulot ng lagnat, pagsusuka, stiff neck at pagkakaroon ng problema sa binti at bisig.

Mga batang edad 5 pababa ang prone sa nasabing sakit, na kapag napabayaan ay posibleng ikamatay ng matamaan nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?