700

By

Makagago nanggago sa Tulfo – mga netizen

Instant trending sa social media si Youtuber na si Makagago, o Mark Jayson Roger Warnakulahewa sa tunay na buhay, sa paglabas nito sa Raffy Tulfo in Action.

Ito’y matapos siyang ireklamo ng social media influencer na si Leng dahil sa mga akusasyon ni Makagago na nagpalalag siya at may scandal pa raw.

Nagkaharap sa Raffy Tulfo in Action ang dalawa, kung saan pinag-ayos ni Raffy sina Leng at Makagago at nag-public apology na ang Youtuber habang hindi naman umano itutuloy ni Leng ang demanda.

Ngunit nakuha ni Makagago ang atensyon ng mga netizen dahil sa tila mga kakaibang sinasabi nito sa harap ni Tulfo.

Sa isang tagpo, sinabi ni Makagago na i-express na lang daw umano ni Leng ang kanyang sarili sa pagsasayaw dahil hindi daw ito sana’y magsalita.

Nag-trending din ang paraan kung paano makipag-usap ang Youtuber kay Raffy.

Dahil dito’y napaisip ang mga netizen na bagay ang pangalan na Makagago dito dahil tila ‘nanggago’ lang ito sa show ni Tulfo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?