47

By

Makabayan bloc, umanib sa LP minority group sa Kamara

Nagsanib-puwersa na ang Liberal Party (LP) at ang Makabayan bloc sa Kamara para buuin ang hanay ng minorya sa Mababang Kapulungan.

Muling sumulat ang LP minority group kay Speaker Gloria Macapagal-Arroyo para ipaalam na nagkaroon ulit sila ng organizational meeting ngayong araw.

Nakasaad sa liham ang mga bagong miyembro ng kanilang grupo kabilang ang mga kongresistang bumubuo sa Makabayan bloc.

Ito’y sina Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, Anakpawis Rep. Ariel Casilao, ACT Teachers Reps. Atnonio Tino at France Castro, Gabriela Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas, at Kabataan Rep. Sarah Elago.

Kasama na rin sa grupo sina Magdalo Rep. Gary Alejano at Akbayan Rep. Tom Villarin na kapwa miyembro naman ng grupong Magnificent 7.

Nasa 22 na ngayon ang minority group na pinamumunuan ni Marikina Rep. Miro Quimbo.

Mas malaki na ang bilang nito kumpara sa 18 nina Quezon Rep. Danilo Suarez pero mas maliit naman kumpara sa sinasabing 25 ng grupo ni dating Speaker Pantaleon Alvarez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?