80

Jul 17, 2018 @ 14:32
By

Makabayan bloc pinaiimbestigahan ang contractualization ng Jollibee

Nagsampa ng House Resolution 2009 ang Makabayan bloc para siyasatin ng House committee on labor and employment , in aid of legislation, ang Jollibee Foods Corporation Inc., (JFC) dahil umano sa paglabag nito sa Labor Code.

Kabilang sa ipinunto ng Makabayan ang pagpapatupad umano ng kumpanya ng labor-only contracting.

Ilan sa fast food restaurants na pag-aari ng JFC ang Chowking, Greenwich, Mang Inasal, Red Ribbon at Burger King.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?