166

Oct 29, 2020 @ 16:28
By

Makabayan bloc kusang nagsapubliko ng SALN

Boluntaryo nang inilabas ng ilang kongresista mula sa Makabayan bloc ang kopya ng kanilang 2019 Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN).

Ito’y matapos na ilabas ng mga senador ang kopya ng summary ng kanilang SALN kung saan lumitaw na pinakamayaman pa rin sa mga senador si Senator Cynthia Villar na may P3.8 bilyong total net worth.

Sa kopya ng summary ng SALN ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, lumitaw na siya ay may total net worth na P1.8 milyon habang sina Bayan Muna Reps. Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat ay may P3.7 milyon at P35,000 na net worth, ayon sa pagkakasunod.

Si Kabataan party-list Rep. Sarah Elago naman ay may P104,400 total networth.

Wala pang inilabas na opisyal na kopya ng summary ng 2019 SALN ang mababang kapulungan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?