46

Jul 18, 2021 @ 16:57
By

Makabayan bloc hihimayin P40B pondo ng NTF-ELCAC

Sisilipin ng mga miyembro ng Makabayan bloc ang P40 bilyong pondo na hinihingi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para sa Barangay Development Fund (BDF) sa 2022.

Bukod sa maaaring gamitin ng mga opisyal ng NTF-ELCAC na nagbabalak tumakbo sa eleksyon, sinabi ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na posibleng lalong dumami ang human rights violation dahil sa pondo.

Ayon kay Zarate ang limang rehiyon na nakatanggap ng pinakamalaking BDF ang Central Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen at Caraga kung saan mataas ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao.

“Based on the Karapatan data however, since President Rodrigo Duterte took office until June 2021, 206 of the 409 cases of extrajudicial killings transpired in the five regions while 221 of the 487 political prisoners arrested under the Duterte administration were arrested in the same regions,” sabi ni Zarate.

Sisilipin din umano ng mga miyembro ng Makabayan bloc kung papaano ginastos ang P16.24 bilyong BDF ngayong taon dahil maaari ring ginamit ito para pagkuhanan ng campaign funds.

Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG) P11.611 bilyon ang gagamitin sa farm-to-market road projects; P2.386 bilyon sa water and sanitation system; P569 milyon para sa school buildings; P491 milyon para sa health station; P48 milyon para sa rural electrification; at P328 milyon para sa agricultural, livelihood at technical vocational projects.

“We know that it is already election time and these funds are prone to be used to campaign for the candidates of the NTF-ELCAC. We will go through this budget with a fine tooth comb especially during the next budget deliberations and put to more useful pandemic intervention programs this P40 billion generals’ pork for 2022,” dagdag pa ni Zarate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?