0
views

By

Makabayan bloc, handang sumama kay Robredo

Sharing is caring!

Bukas ang Makabayan bloc sa Kamara na makipagkaisa kay Vice President Leni Robredo na handang pamunuan ang oposisyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Para kay ACT Teachers partylist Rep. Antonio Tinio, napapanahon nang tumayo si Robredo bilang oposisyon.

Higit anyang kailangan ngayon na magkaisa at maging malakas ang hanay ng mga tumututol atlumalaban sa administrasyong Duterte dahil sa napipintong diktaturya ni Digong sa ilalim ng panukalang Charter change.

“Positive development yun. Finally, titindig na bilang opposition si Vice President Robredo,” ani Tinio.

“Ang Makabayan ay bukas na makipagkaisa at makipagtulungan sa lahat ng handang lumaban sa mga kontra-mamamayan at kontra-mahirap na patakaran ng administrasyong ito na kinakatawan ni Pangulong Duterte,” dagdag ng kongresista.

Binigyang diin naman ni Gabriela partylist Rep. Emmi de Jesus na ang pakikiisa nila sa puwersa ng oposisyon ay para sa kapakanan ng masang Pilipino.

“Hindi namin iko-kompromiso yung issue ng mamamayan. Alam naman natin na yung dalawang taon ni Presidente Duterte ay talagang halos naging busabos yung majority ng marginalized sector,” sabi ni de Jesus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?