169
tito-sotto
By

Majority senators, suportado si Sotto bilang susunod na Senate President – Binay

Sharing is caring!

Kinumpirma ni Senadora Nancy Binay na nagkita-kita silang mga senador na kasapi ng majority bloc sa bahay ni Senador Juan Miguel Zubiri.

Pero itinanggi na niluto roon ang pagpapatalsik kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III para palitan ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III.

Ayon kay Binay, isa sa mga pinag usapan ang posibleng pagbabago ng liderato ng Senado dahil kakandidato si Pimentel para sa reeleksiyon at magiging abala sa kampanya pero idiniin na wala pa ritong kasunduan.

Dumating sa pulong, na umano’y pahabol na rin na birthday party ni Zubiri, sina Senators Binay, Sotto, Cynthia Villar, Sonny Angara, Richard Gordon, Gregorio Honasan, Panfilo Lacson at Joel Villanueva.

Ayon kay Binay, kung kailangang magbago ng liderato ng Senado, ipauubaya nilang mga junior senators ang pagdedesisyon sa mga nakatatanda.

Sakali namang magbotohan, kay Sotto umano siya papanig dahil mula’t sapul na dito ang kaniyang suporta.

Hindi kasama si Pimentel sa pulong dahil parating pa lang ito ngayong gabi mula sa Europe.

Una namang sinabi ni Sotto na hindi niya tatanggihan kapag ibinigay sa kaniya ng mga kapwa senador ang Senate Presidency.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?