96

Jul 29, 2018 @ 13:34
By

Majority bloc sa Kamara walang ‘paki’ sa minorya – Andaya

Hindi umano makikialam ang majority bloc ng Kamara sa gusot ng mga konggresista na nag-aagawan sa pagkilala bilang minority bloc.

Sa panayam ng Super Radyo DZBB, sinabi ni House Deputy Speaker Rolando Andaya na hindi didistansya rito ang mayorya.

Naggigirian sa pagkilala bilang minorya ang mga konggresistang kasapi ng Liberal Party (LP), grupo ni Quezon City Rep. Danilo Suarez, grupo ni Albay Rep. Edcel Lagman at ang tinaguriang Makabauan Bloc.

Ito ay matapos mahalal ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

“Hindi puwedeng makialam ang mga myembro ng majority kung paano sila (sa minorya) boboto at sino yung kikilalanin nilang kandidato. As much as possible distansya kami,” sabi ni Andaya sa panayam.

“Yung pagpili ng pinuno (ng minorya), hindi kami pwede. Sila lang ang pwedeng magresolba,” dagdag nito.

Aminado naman si Andaya na apektado ang mayorya at trabaho ng Kamaa kahit maliit na grupo ng mga konggresista ang nagkakagulo sa minorya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?