170
earthquake

Major earthquake, posibleng tumama sa Leyte – Phivolcs

Sharing is caring!

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa isang malakas na lindol na posibleng maganap sa Central Leyte.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, ang 100-metro na bahagi ng Philippine Fault sa kahabaan ng Albuera hanggang Mahaplag sa Leyte ay hinog na para sa malakas na lindol lalo pa at 100 taon na ang lumipas mula ng mangyari ang malakas na lindol.

Kung ang fault line aniya sa central part ng Leyte ay gagalaw sa magnitude 7.2, maaring magkaroon ng Intensity 8 na lindol sa ilan pang lugar sa Leyte.

Nakakapagtala aniya ang Phivolcs ng mahihinang paggalaw ngunit hindi pa rin batid ng ahensya kung kailan mangyayari ang major earthquake.

Pinayuhan na ni Solidum ang mga lokal na pamahalaan na i-relocate ang mga bahay na nasa fault line.

Ayon kay Leyte Governor Leopoldo Dominico Petilla, naghahanda na ang mga LGU, partikular ang mga malalapit sa fault line, sa posibleng malakas na lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?