188
Maja Salvador pinasok na rin ang mundo ng vlogging
May 28, 2019 @ 15:54
By

Maja Salvador pinasok na rin ang mundo ng vlogging

Isa na ring vlogger ang aktres na si Maja Salvador.

Pinamagatang “Meet Maja” ang kaniyang unang vlog na ibinahagi sa kaniyang YouTube channel.

Ani Maja, ang paggawa ng vlog ang kaniyang paraan upang lalo pa siyang makilala ng kaniyang mga fan.

“Well, ang tagal ko na rin kasi talagang pinagpaplanuhan ito, pero sa tulong ng mga kaibigan ko, eto na,” aniya.

“Kaya nagkaroon tayo ng YouTube channel dahil lahat ng gusto kong puntahan, lahat ng paborito kong kainan, mga yugyugan, mga kasiyahan, kahit anong moments pa ‘yan, ‘yan ang mapapanood niyo,” saad ni Maja.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?